loryces online

ano ang miss ko sa 'pinas

miss ko ang maligo sa mga beaches ng 'pinas

miss ko ang jeep, ang MRT, maski kalesa, kasi feeling independent ako pag nakasakay ako sa pampublikong sasakyan (except kalesa syempre)

miss ko ang traffic ng 'pinas kasi kung puyat ako, pwede akong matulog sa jeep, gigising na lang ako pag andyan na ko sa pupuntahan ko

miss ko taho at pandesal kasi ang sarap-sarap ng gawa sa pinas, unlike dito, may kakaibang lasa

miss ko ang pagtext kasi kahit may magtext sa yo ng walang kabuluhan, at least alam mong naalala ka nila

miss ko na ang magpawis kasi alam ko kahit papano nagbu-burn ako ng calories

miss ko na ang panahon ng 'pinas, yung tipong ang init-init tapos biglang uulan, kaka-miss pala yun

miss ko ang makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko kasi kahit anong oras pwede ko silang tawagan at kulitin unlike dito kelangan pang isipin ang buset na timezones na yan

miss ko mga kapatid ko kasi wala na kong uutusan

miss ko rin siguro ang baha kasi simbolo na ata yun na nasa 'pinas ako

miss ko na makipagkwentuhan tungkol sa lord of the rings, syempre iba pag tagalog ang gagamitin mo, nauubusan ako ng ingles eh

miss ko na ang mga pinoy na commercials, nde ko na tuloy alam kung ano nangyari kay lumen pati kay billy

miss ko na ang pinoy soap operas, ano na kaya nangayri kay red butterfly at black widow eh pano na si ina? ay tapos na pala yun

0 comment(s):

Post a Comment

<< Home