loryces online
Credit Card Woes

Turo ng nanay ko di daw maganda ang umuutang. Lumaki ako na naniniwala na kung uutang ka, dapat bayaran agad. Syempre sa Pilipinas yun. Aba eh pagdating ko dito sa USA, mas maganda pala ang buhay mo kung may utang ka. Karamihan sa mga establishments, online man o land-based, eh gusto nila credit card ang method of payment. Mapa-grocery man o mall, restaurant o bookstore, mas ok kung credit card at hinde cheke o cash ang ibabayad mo. Hassle sobra ang walang credit card dito. Di ako makabili ng libro sa amazon.com. Di rin ako maka-avail ng mga discounts. Nakakaimbyerna.


Anyway gusto ng tita ko, magka-credit card na ko kasi kung gagamitin ko man ang card nya, may chance na sumobra sa limit. Ok nga kasi tita ko pa yung nagpipilit sa kin magka-credit card eh. Kung sa Pilipinas to, siguro tatlumpung taong gulang na ko, di pa ko papayagan ng nanay ko. Yun nga lang, ang hirap mag-umpisa ng credit history. Bago kasi maapprove ang application mo, ise-search muna nila kung may credit line ka na. Nakailang establishments na ko na pinag-apply-an. Mga maliliit na stores lang kasi mas may chance ako kesa sa mga bigatin na companies. Nag-apply ako sa Sears, Old Navy, Kohl's, TJMaxx, Target, at JCPenney pero wala, rejected pa rin ang applications ko. Sabi nila wala daw kasi akong existing credit history. Nakngtokwa naman oo. Paano ako magkakaroon ng credit history kung ayaw nyo akong bigyan ng chance magka-credit history?! Ewan ko ba.

0 comment(s):

Post a Comment

<< Home