loryces online
Mga Simulain

"Para akong bagong kasal," sabi ng Tatay ko pagkatapos naming lumipat sa aming bahay.

"Yoko na ate," reklamo ng kapatid kong lalaki, matapos ang isang buwang pari't parito sa school para sa mga requirements.

"Gusto ko na umuwi!" himutok ng kapatid kong babae, 3-4x/day, 7 days/week.


*buntong hininga* Ang hirap talaga ng buhay ng isang nagsisimulang pamilya. Lalo na kung dumedepende ka sa iba. Minsan naiisip ko sana wala na lang kaming dinedependehan. Di ka maghihintay para ihatid ka sa isang lugar na kailangan mong puntahan. Di ka mahihiyang bumili ng mga kailangan na gamit dahil alam mong ikaw ang gagastos. Di ka pabigat. Di ka palamunin. Di ka tatanaw ng utang na loob. Di ka masusumbatan. Wag sanang masamain ang sinasabi ko. Malaki ang pasasalamat namin sa tita pero minsan naiisip ko sana di na lang kami umaasa sa kanya. Maayos sana ang pakikitungo nya sa amin at kami sa kanya. Sa mga nakakaraang araw kasi, parang may friction sa pagitan namin. Siguro dahil na rin sa stress -- malapit na kasi ang pasukan nga mga pinsan ko tapos may plano pa silang mag-cruise papuntang Bahamas. Idagdag pa kami, aba eh kahit sinong tao mag-iinit ang ulo dahil sa isang maliit na bagay lang. *buntong hinga ulit*

Yun nga lang mas mahirap yata kung mag-isa ka lang dito kasi wala kang mapupuntahan o mahihingan ng tulong. Di mo alam ang pasikot-sikot sa lugar nyo. Di mo alam kung ano ang gagawin kung mag-a-apply para sa social security #, sa driver's license, o state ID. Di mo alam kung paano ang maghanap ng trabaho. Di mo alam kung sino ang pwedeng makapagkatiwalaan. Masisiraan ka ng bait kakaisip kung paano mabuhay. Wala ka pang makausap o mahingahan ng sama ng loob. Sabagay, kahit anong anggulo mo naman tingnan, mahirap talaga ang magsimula, may kakilala ka man o wala... lalo pa kung sa isang banyagang bansa ka maninirahan.

Maganda ang may pagbabago sa buhay dahil mas nakikilala mo ang sarili mo pero minsan, ang mga pagbabagong ito, they get to you. Sana lang makayanan namin to. Nakakasira na ng bait eh.

3 comment(s):
At 6:49 PM, Anonymous Anonymous commented...

dumadaan lang po...anyway, mahirap talaga sa simula ang mga pagbabago sa buhay, pero lahat naman ay kakayanin basta't hindi bumibitiw. wish you well.

 
At 10:37 PM, Blogger Unknown commented...

mahirap talaga ang adjustment phase. ang maganda lang dun, di sya permanent. this too shall pass. :)

 
At 12:35 AM, Anonymous Anonymous commented...

ei, pag free ka, txt mo ako. pasyal tayo minsan. lagi kami sa labas eh. :)

- dane

 

Post a Comment

<< Home